Today is just another Dejavu. I can't remember when it happened. But the events were predictable, and somehow the emotions were exactly the same. A year or so, I felt the same way. I'm jealous why those people you considered so special are the ones who actually take you for granted. I'm mad because I cannot admit the reality that things will never be the same again; that at the end of the day, it would be my loss if i'll continue to pretend that i will not get hurt in the end.
Ewan ko ba kung bakit hindi magawang magalit o kamuhian man lang siya. Hindi ko pa rin matanggap na we can never be together. Galit ako because i still love him kahit alam kong masasaktan lang ako. If love is sweeter the secont time around, then mas masakit then ito the 2nd time around. pabalik balik ko mang isulat to dito, at kahit ilang space pa ang maubos ko sa kakasulat ng litseng feelings kong ito, i would still act tanga, gaga, boba..et al.
I dont't know bakit hindi ako dinalaw ng antok kagabi. Hindi ko alam kong bakit iniisip ko siya lagi. Hindi ko alam kong bakit ayaw niya magtext, o talagang magtetext lang sya pagkailangan niya ako. Why am I complaining? Gaga pala ako eh, Kaya lang naman ako pumayag maging tutor niya kasi, gusto ko lang tulungan siaya. Secondary na yung mapalapit sa kanya. Sa pagiging lukaret ko, hindi ko na inisip na tao pa rin ako, at kahit ano pang masasakit na nangyari sa aming dalawa, maari pa ring magbalik ang aking damdamin para sa kanya.
Gusto kong umiyak kagabi kasi hindi ko pa rin matanggap na may mahal na siyang iba. Yes, serious talaga na meron na siya. I don't want to ask, because hindi ko business mang usisa sa personal niyang buhay. At professional yung relationship namin sa isa't isa. Sa makatuwid, I'm just a tutor. at wala akong karapatang, magtanong.
Minsan, tinatanong ko kay Lord, kung bakit ba ako naging bakla. I'm not shy kung bakit. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ako pwedeng mahalin. Bakit hindi pwede maging kami. Kung matuturuan ko lang ang puso kong maging somebody who can love another individual na hindi labag sa mata ng Diyos at maa ng tao, matagal ko na sanang ginawa. Kailangan ko lang daw magtiyaga, pero hanggang kailan? hanggang kailan ako masasaktan, hanggang kailan ako magdurusa.
Ang dami ko ng isinakripisyo para sa kanya. Becaue naniniwala ako sa unconditional love. Wala akong hinininging kapalit, but hindi ko maiwasang magselos at masaktan.
Bakit hindi ako pwedeng lumigaya, dahil ba tutor lang ako?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment