Friday, September 22, 2006

Mga di mapantayang kwento ng isang kolehiyala

lahat ata ng college pipz naranasan na ang mga kalbaryo sa buhay. I thought ganoon lang ang lahat, study, and pass your exams. Pero hindi eh, ibang college ang nakita ko. Eto yung kung kelan palapit na ang finals saka bubundok ang mga requirements. Anak ng papel! paper works here, paper works there,papers everywhere. Siguro isinumpa na ang course namin na sumulat hanggang sa aming kamatayan. Ewan ko ba kung bakit pa ako nag rereklamo eh, kagustuhan ko kayang maging isang mamamhayag. Sa kahit anong lingwahe pwede na huwag lang bisaya, naku! baka langgan at ipis lang ang babasa ng sulat ko. Nakakabaliw ang course ko. Sabi ng marami, ito raw ang madaling kurso, I mean, no board gaya ng ibang course at higit sa lahat, pa cute ka lang sa camera o papogi sa newspaper. People nga naman o, walang ibang magawa kundi ang manira ng kurso. Hindi ko rin sila masisisi, eh, halos totoo naman ang sinasabio nila eh. Medyo pagod na rin ako sa kakaisip na ipaglabanang course ko sa kanila. Sa halip eh, ako na rin mismo ang sumira sa kurso ko. Simulan na natin ang mahabang diskusyong ito. Nakakatawa ang mga tao sa aming college. Lahat ata parang donuts, iba ibang kulay at iba iba rin ang lasa. Minsan, nagkaroon ako ng professor na sobrang kikay. Sa sobrang color oriented, para siyang chameleon- yung tipo bang anong kulay na mahawakan eh, yun na rin ang magiging kulay niya. Ganyan mismo si maam. Pag pink ang color of the day, naka pink siya. O di ba bonga.!! pero in fairness sobrang malaki magbigay ng grades. na mi miss k tuloy siya. Kung student org lang naman ang pag-uusapan, wala ng mas pangit pa sa org namin. KAPUNUNGAN SA MGA MASS COMMUNICATORS KMC, kung tawagin. ito ang org na parang zoo. lahat ng hayop at insekto kumpleto. May aso, odie kung tawagin. May baboy, at anak pa ng baboy. Hindi rin mawawala ang mga paepal, at feeling maganda. Higit pa sa zoo animals ang org namin. may kahalo pang mga halimaw at mga hayop na sa kathang isip lamang makikita. May presidenteng sing liit ng dwarf ni snow white, at kasing boses pa ni mahal. Ayyy,, nakakabaliw. Pero may genyo din sa org, tipong matalino at gwapo.. itago natin sa pangalang dirgy. liban doon. mga maligno na ang mga ksali sa org. ewan ko ba kung bakit ako sumali sa kmc, siguro nadala na rin ako sa mga clasmates kong panay tulak sakin na sumali sa eleksyon. Nagsawa na rin ako sa kaka adjust sa mga taong wala dito ang character. Hmm.. I mean di ko maka jive sa kanila. Nainis rin ako sa treasurer naming iisa lang ang mata- yung bang anak ni captain hook. sobrang feeling maganda, akala mo iya na ang pinakamagandang kabayo sa balat ng lupa. Hay, wala na ever. Wala na akong masabi pa. Nagsisisi rin ako minsan kasi malaki ang pagkukulang ko sa council. Naging pabaya ako in other words. At least nakita ko ang sarili ko sa pagiging pabaya sa council. Ito yung pagiging usisera sa mga koreano. Mga koreanong nagpapatibok ng aking puso. Una, si joey, yun bang anak ng kangaroo, pero di naglaon, nag break din kami. wala lang- it did not work out. Pangalawa si jung seoung, naging teleserye ang tagpo at hiwalay naming dalawa, pinagtagpo sa aksidente at pinaghiwalay sa aksidente. Malas nga naman talaga, mahal ko pa naman yun. Pero sa awa ng Diyos ok na siya. At pinakabago kong pantasya ay walang iba kundi ang tutor kong si Jin young. ewan ko ba mahal ko na ata siya. feeling ko masasabi ko ang mga katagang he makes my day. Ang sagwa noh??

Pero manalo matalo, mag brown out man o hindi, hindi pa rin bababa ang presyo ng gasolina. At lalong hindi bababa ang tuition fee ng silliman. Kaya ang nararapat gawin huwag mag aral. Maging prosti na lang>>>

Sunday, September 17, 2006

Kwentong Baliw

There are always options in life, kung baga sa palengke, bargain, tawaran, para mas popular. I realize that we have to accept things that we cannot change. Sometimes dpat nating tanggapin na tayo ay talunan. Walang laban at bobo. Ilang beses na rin akong naging tanga no, at sa daming beses ng pagiging tanga ko, hindi pa rin ako natauhan. di ko na ata mabilang kung ilang beses kong inuntug ang aking ulo sa pader para lang matauhan, pero wala pa rin eh, heto parin ako ipinanganak na tanga. Ngek, pabalik balik lang ata ako sa kakasulat nito. Iim stupid. Im sick. et al. Anak ng bobo naman oh,Magdadapit hapon noon, andoon ako, palakad lakad, pakembot kembot at para bang gustong magpakamatay sa lungkot at lumbay. Ilang beses rin akong nag isip kung paano ako magpapakamatay. Ang dami kong naging choices- magbigti, uminom ng muriatic acid. hindi huminga sa gitna ng com 21 class, o kayay matulog ng mahimbing na wala ng bukas. Sa dami na choice ko, di ko na alam kung saan at ano ang dapat gawin.Pero, nawala rin sa isip ko ang pagpapakamatay, sa halip naghanap ako ng bagong kakagiliwan, ang tutor kung medyo stupid. sarap sabunutan, sampalin at higit sa lahat halikan. hehe. ang sagwa ko no? Masarap kasama ang tutor ko, sobrang kulit, chismoso at hindi mapigil ang bibig. Cute rin naman sya. kaso nga lang, may katabaan. konti lang naman. Cute ng tutor ko! talaga. swear.Dahil sa pagod na ako, at inaantok na ipagpapatuloy ko ito sa susunod na kabanata.