I cant remember exactly when was the last time I cried about being lonely. Naging manhid na yata ako sa dami ng mga dinadala ko inside me. Siguro ganyan nga ang buhay. kapag sobra na ang pasakit, you'll forget to complain that it hurts. Nasanay ka na eh.
Ewan ko kung sanay nga ba ako when it comes to handling situations na nakasalalay ang emotions. Feel ko, i'm just acting. dahil kung sanay ako, bakit nasasaktan pa rin ako every time nakikita ko yung mga taong nagpasakit sa akin. Although hindi na ako affected, bakit sumasagi pa rin sa isip ko na sana ako na lang, na hindi na lang siya.
Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang laman dito. Bakit hanngang ngayon, kahit na hindi na kita iniisip mahalaga ka pa rin sa akin. Bakit hanngang ngayon naaalala pa rin kita.
I just want to get over with you totally, pero how can i do that, kung sa araw araw nakikita kita. Kung sa bawat pintig ng puso ko, nadarama ko pa rin ang mga araw na hanggang ngayo'y hinihiling kong bumalik?
It hurts, pero ayokong umiyak. Ayoko nang magmahal. I hope kung tatanggalin ang puso ko, mabubuhay ako, pero hindi, siguro, parte na ng buhay natin ang masakatan.
life is not about happy times, its also about pain and suffering.
Thursday, February 28, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)
