Sunday, January 28, 2007

hanggang pangarap na lang talaga ang lahat

i want to believe na ang lahat ng bagay na nangyayari sa mundo ay may dahilan. Ang pag-ihip ng hangin, ang pag-agos ng ulan, ang pagtawa natin, ang pagluha at lahat lahat ng emosyon ng tao. Lahat ng mga nakikita natin sa araw-araw ay may dahilan, mga palatandaan at ang mga taong maaring babago at magiging parte ng ating buhay. gusto kong maniwala sa lahat ngmga ito. On the other side of the coin, naiisip ko, papaano ako maniniwala sa mgs ito na alam ko mismo na may mga bagay talagang hindi pwedeng mangyari. Hindi ng lahat ng gugustuhin at nanaisin natin ay magkatotoo.

For the past months, naisip ko how thankful am i na nakilala si edgardo agustin navarro. I saw something in him na ako mismo di ko kayang maipaliwanag. Pinilit kong makilala pa siya ng husto, pero takot na itong puso kong magmahal pa muli. takot na baka isang araw, i will be in dark corner na walanmg patutunguhan. Masakit mang isipin pero ito ang katotohananng kailangan kong harapin. At habang maaga pa lang, dapat tigilan ko na ang nararamdaman. I'm not angry to anybody, pero naniniwala ako na kung para sa iyo ang isang bagay, it will really come. wag mong hanapin, hintayin mo lang.

No comments: