Monday, March 05, 2007

Maalaala Mo Kaya??

I'm ruthless. I don't want to be one, but i am.

May mga pagkakataon lang talaga na halos di makain ng aso ang ugali ko. I admit that. I'm used to the reaction of people asking KINSA NA SI ROLAND DICEN? ah, katong maldita. snob. et al... I can't blame them, that's how they look at me. That's there first impression. At nirespeto ko yun. It takes time to know one. Kung sa bagay wala pang nakaalam sa tunay na storya ng buhay ko. maaring marami akong kaibigan, which i believe kokonti lang., peeo ni isa sa kanila walang alam sa tunay na pagkatao ko. As much as i want to tell them, but i can't. natatakot ako na baka mawala sila sa buhayko. Although i don't care sa reactions nila, pero takot pa rin ako. takot akong mawalan ng mga taong in one way or another nagpapaligaya sa akin.

Lumaki ako sa mundong higit pa sa kwentong pang MMK. Kinagisnan ko na lahat ng pang-aapi sa buhay. gusto ko mang isulat dito,pero hindi ko magawa, anybody can read and get access of this. Hindi koikinahihiya ang kwento ko. I'm proud because i reach this far. I'm proud because ni minsan hindi ako sumuko sa laban ng buahy. I'm proud dahil nakita ko kung gaano ako katatag sa lahat ng dagok. At wala akong pinagsisihan na napagdaanan ko ang nga karanasang yaon, because i wouldn't be who i am today.

Hindi man marami ang naaalala ko sa aking nakaraan, pero mnakikita ko pa rin kung paano ko hinubog ang aking sarili bilang isang tao. Grade One ako noon. I'm behind ng isang taon sa normal grade one student. I got sick na halos hindi ako makalakad. sabi ng mama ko, milagro raw na nakalakad ako after inflected with polio. Alalang-alala ko pa kung paano ko binigkas ang mga unang abakada. masaya ako when i'm in school. kasi lago akong tinatawag ng teacher ko. May mga pagkakataon ring pumalpak ako. Minsan, oral recitation noon ng abakada na walng kopya. kaso, hindi ko memoryado ang abakada. nagtago ako sa ilalim ng desk at umiyak.. typical grade one nga.. pagkatapos ng taon, masaya naman, first honors ako, dahil laging absent ang dapat sanang first honors. buti na lang always present ako.

Grade two. Kaklase ko ang lahat ng mga matatalino sa school. section A. hindi ko masyadong nagustuhan ang buhay ko rito. Ang daming favoritism. Ang mga classmates ko laging nagdadala ng mga mama nila sa school. kulang na lang papasukin ang mga magulang nila sa loob ng classroom. Tapos, ang teacher ko, laging tumatanggap ng mga kung ano anong ibinibigay ng mga magulang. Corrpution talaga. first hon. men. ako. Ok lang at least hindi buntot ng buntot ang mama ko sa school.

Grade three. Naging teachers pet ako. halos gawin aakong katulong ng teacher ko. kulang na lang sabihin niyang punta ka sa bahay ko, umuwi kasi maid ko sa probinsya. akalain niyo pinabibili niya ako ng mga ititinda niya sa loob ng classroom during class hours. pero ayos lang, pag may exam sa ang mga classmates ko, perfect naman ako. galing noh? dahil gahaman din ang teacher ko sa binibigay ng mga parents, naging 2nd hon. men. ako.

Grade 4 ko nalaman na girlalou ako. unang tumibok ang puso ko kay Janus Cedrick Grapa. cute pa niya noon. hindi gaya ngayon na mukha niya parang si fernando poe..... ipagpapatuloy

No comments: